INIHAHANDA na ng pamahalaan ang nasa P1.1-bilyong halaga ng subsidiya para sa sektor ng transportasyon na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Batay ito sa ikalawang buwanang report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kung saan nakasaad na ang subsidiya ay maaaring sa pamamagitan ng loads o credits sa jeepney fuel cards o cash payout na direktang ipapasok sa Land Bank of the Philippines.
Nasa 178,000 benepisyaryo ang mabibiyayaan ng naturang subsidiya kung saan ang programa ay pangangasiwaan ng Department of Transportation (DOTr).
Ang sektor ng transportasyon ang isa sa mga pinakanaapektuhan ng COVID-19 pandemic dahil na rin sa ipinatutupad na health protocols bilang pag-iingat sa banta ng sakit. DWIZ 882
Comments are closed.