P1.161-B BUDGET SA DENGVAXIA VACCINEES, APRUB

INAPRUBAHAN  na ng House Committee on Appropriations ang P1.161 billion supplemental budget mula sa ibinalik ng Sanofi Pasteur para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Sa revised na breakdown ng DOH, inaalis na ng DOH ang P200 million fund para sa medical kits na naglalaman lamang ng thermometer, isang bote ng mosquito repellant, dalawang  bote ng multivitamins at bag.

Mababatid na inalmahan ito ng mga miyembro ng House Committee on Appropriations dahil hindi naman ito ang talagang kailangan ng mga naturukan ng Dengvaxia.

Tinaasan naman ang P947.8 milyon  na  alokasyon para sa medical assistance mula sa dating P87 milyon na ibibigay naman para sa pangangailangan ng mga addmitted at outpatients na Dengvaxia vaccinees.

Nasa P148.2 milyon naman ang alokasyon sa public health management kung saan nakapaloob ang assessment and monitoring ng Dengvaxia vaccinees at para sa supplies at gamot.

P67.5 million naman ang para sa human resource deployment para sa 1,250 nurses na iha-hire sa pagsasagawa ng monitoring at profiling sa mga vaccinee.

Para mapakinabangan ang supplemental budget, ang bawat berepikadong Dengvaxia vaccinee ay bi­bigyan ng card na ipipre­senta sa ospital kapag na­nga­ilangan sila ng tulong medikal.       CONDE BATAC

Comments are closed.