UUTANG ang gobyerno sa susunod na taon para mapondohan ang budget deficit o kakulangan sa pondo.
Sa kanyang sponsorship speech para sa P3.757 trillion 2019 budget, sinabi ni House Committee on Appropriations Vice Chairman Maria Carmen Zamora na P1.189 trillion ang uutangin ng bansa sa 2019.
Ayon kay Zamora, nasa P287 billion o 24 porsiyento ng P1.189-T na uutangin ay magmumula sa dayuhang creditors, habang ang P906.2 billion o 76 porsiyento naman ay manggagaling sa domestic creditors.
Paliwanag ng kongresista, ang hihiraming pondo ay gagamitin sa iba’t ibang layunin.
“Of the total borrowings, P624.4 billion will be used to finance the deficit, settle P146.3 billion in maturing debt obligations, and the balance includes contributions to the bond sinking fund, and maintain sufficient cushion of cash in the Treasury,” aniya.
Layunin, aniya, ng pangungutang na magtuloy-tuloy ang mga proyekto at programa ng pamahalaan para sa 2019.
Sa naging interpelasyon naman sa plenaryo, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na kulang ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC). CONDE BATAC
Comments are closed.