MAY MALAKIHANG dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Ito na ang ika-4 na sunod na linggo na may price hike sa gasolina at ikatlo para sa diesel at kerosene.
Sa kanilang abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na tataas ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina ng P1.20, diesel ng P0.95, at kerosene ng P1.00.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibenebenta.
Epektibo ang taas-presyo ngayong alas-6 ng umaga para sa Shell habang ang Cleanfuel ay magpapatupad ng adjustment sa alas-401 ng hapon.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang February 16, 2021, ang year-to-date adjustments ay nagtala ng net increase na P4.00 per liter para sa gasolina, P3.90 per liter sa diesel, at P3.35 per liter para sa kerosene.
807274 713522You will notice several contrasting points from New york Weight reduction eating program and every 1 one may be useful. The very first point will probably be authentic relinquishing on this excessive. shed weight 633372