PUMALO sa P1.37-B ang kabuuang pinsala na iniwan ng bagyong Ambo sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 66,760 metric tons ang nawala sa production na nakaapekto sa 27,472 ektaryang agricultural areas at 70,533 magsasaka at mangingisda.
Ang nasabing halaga ay kinabibilangan ng validated at finalized reports mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas Regions.
Ang high value crops ang pinakaapektadong commodity sa 67% (PhP 915.15 M) na kinabibilangan ng saging (Php 541.97 M), papaya (Php 24.26 M) at iba pang sari-saring prutas at gulay (Php 348.92 M). Sumusunod ang bigas sa 23% (Php 318.13 M), mais sa 5% (Php 62.45 M), fisheries sa 3% (Php 42.40 M), livestock sa 1% (Php 17.94 M) at infrastructure sa 1% (Php 10.80 M).
Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang DA sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) upang mabigyan ng pondo ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng bagyong Ambo.
Comments are closed.