NAGPALABAS ang state-owned Development Bank of the Philippines (DBP) ng mahigit sa P1.485-billion na cash assistance sa maliliit na magsasaka sa ilalim ng programa ng Department of Agriculture (DA).
Sa isang statement, sinabi ni DBP president and CEO Emmanuel Herbosa na may kabuuang 297,000 magsasaka ang tumanggap ng tig-P5,000 sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program ng DA.
“DBP has taken the necessary steps to fast-track the distribution of this assistance to help our farmers cope with the on-going COVID-19 pandemic and to compensate for the income loss due to falling prices of unmilled rice,” wika ni Herbosa.
Ang RFFA ay isang unconditional cash transfer program para sa rice farmers sa 33 rice-producing provinces sa buong bansa na nagsasaka sa lupaing mula 500 square meters hanggang dalawang ektarya.
Ang DBP, kasama ang Land Bank of the Philippines, ang pinakilos ng DA sa pagkakaloob at pamamahagi ng financial assistance.
Nakipagpartner ang DBP sa Bangko Sentral ng Pilipinas-licensed cash outlets upang pabilisin ang pagpapalabas ng pondo sa mga benepisyaryo.
Comments are closed.