CABANATUAN CITY-NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs- NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency, at ng Inter-Agency Drug In-terdiction Task Group (IADTG) ang P1.632 bilyong shabu mula sa dalawang Chinese national kamakalawa ng gabi sa nasabing lalawigan.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director Col. Marvin Saro, kinilala ang mga suspek na sina Jayson Tan at James Ong, sa Sumacab Sur sa nabangit na lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Customs, noong Oktubre 24 nang dumating ang cargo sa PAL-PSI warehouse malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na idineklarang mga “work bench tables” ang laman na nakapangalan sa Ywlee 87 Trading ng Subang Jaya, Selangor, Malaysia na ang consignee ay ang Allejam International Trading sa lungsod ng Maynila.
Lumitaw sa X-ray scanning ng Customs na 100% ng physical examination na matindi ang ginawang pagkakabalot ng 240 kilos ng plastic packs ng Shabu.
Ayon kay PDEA NCR director Adrian Alvariño, agad silang nakipag-coordinate sa Nueva Ecija PNP matapos matukoy ang ruta ng kontrabando at sa ganap na alas-11 ng gabi sa Cabanatuan City naharang ito na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.
Bukod sa 240 kilos ng shabu nakumpiska rin sa mga suspek ang tatlong unit ng cellphones,1 Honda City colored gray na may conduction number E1 N497, 1Mitsubishi L300 Van na kulay puti na may plate number ABB 2535.
Samantala palabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Section 1401 of the Customs Modernization and Tariff Act ang isasampang kaso laban sa mga suspek. THONY ARCENAL
Comments are closed.