P1.6-M SHABU NASAMSAM SA BIG TIME PUSHER

quezon

QUEZON – UMAABOT sa halos P1.6 milyong halaga ng shabu ang narekober ng Candela­ria PNP sa isinagawang search warrant operation sa isang bigtime drug pusher sa loob ng bahay nito sa may Purok 4, Brgy. Mangilag Sur, bayan ng Candelaria kamakalawa ng gabi.

Base sa report ni Lt Col. Alexis Oliver Nava, hepe ng pulisya na dakong alas- 7 ng gabi nang isagawa ang search warrant at halughugin ang bahay ng suspek na si Rowell Biloroca Jimenez, 42-anyos na residente ng nabanggit na barangay.

Nakuha sa tahanan ng suspek ang 12 piraso na heat sealed plastic transparent sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 82.1 gramo na nagkakahalaga ng P1.6 million at isang plastic transparent sachet na naglalaman ng marijuana na may timbang na 1.2 gramo.

Sa ginawang pag-amin ni Jimenez sa pulisya, nanggagaling umano ang kanyang ibinebentang iligal na droga sa Quiapo, Manila.

Isa si Jimenez sa big time drug pusher na nagbebenta ng droga sa bayan ng Candelaria na matagal ng minomonitor ng grupo ni Nava.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Candelaria PNP Costudial Facility at sinampahan na ng kasong Violation of Section 11 Article 11 of RA 9165 sa Provincial Prosecutor’s Office sa Lunsod ng Lucena.

BONG RIVERA