P1.636-T NAKOLEKTA NG BIR, BOC, JANUARY-AUGUST TARGET NAHIGITAN

BIR-BOC

NAHIGITAN ng tax collections ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) para sa unang walong buwan ng taon ang target ng pamahalaan sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic sa eknomiya

Ayon sa  Department of Finance (DOF), ang dalawang ahensiya ay nakakolekta ng pinagsamang  P1.636 trillion, mas mataas ng 7.17 percent sa P1.527-trillion target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Sinabi ni Finance Undersecretary Antonette Tionko na sa naturang numero, P1.289 trillion ang nagmula sa BIR at  P347.6 billion sa  BOC.

Nalagpasan din ng P216.65 billion na koleksiyon ng dalawang ahensiya para sa buwan ng Agosto ang itinakdang target ng DBCC na P155.27 billion.

Ang  BIR ay nakakolekta ng  P172.06 billion noong Agosto, habang ang BOC ay may koleksiyon na P44.59 billion.

Nauna nang inahayag ng DOF na umaasa itong makakakolekta ng P2.71 trillion na buwis sa 2021 sa patuloy na pagluwag ng economic restrictions na may kaugnayan sa pandemya.

Comments are closed.