P1.8M NAGLAHO SA FACE SHIELD SCAM

SCAM

PUSPUSAN na ang paalala ng pamunuan ng Manila Police District sa publiko hinggil ibayong pag-iingat dahil nagkalat ang mga kawatan na nagsasagawa ng tinatawag na “faceshield scam” sa kasagsagan ng pandemiya sa COVID 19.

Kasunod ito ng sunod-sunod na pangyayari sa ilang mga lugar maging sa Maynila kung saan ilang indibidwal na ang nabibiktima ng mga scammers.

Isang babae umano mula sa Pangasinan umano ang nagpasaklolo sa MPD matapos maloko at matangayan ng mahigit sa P1.8 milyong piso para sana sa order nitong faceshield.

Kinilala ang biktima na si Vanessa  Escat, 29, may-asawa, negosyante , at nakatira sa  166 Sitio Tagurarit, Aliaga , Malasiqui, Pangasinan.

Sa kanilang napagkasunduan, magbabayaran sa  Orchids  Garden Suites na matatagpuan sa  P.Ocampo  St.,  Malate  kung saan pansamantala namang nanunuluyan ang mga suspek.

Kinilala silang sina  Krizia Allen  cay   malapit , 32, dalaga, corporate secretary , residente ng  78-C heneford  St., Project 8, Quezon City; Raymund  pavia, 42, may-asawa, negosyante;  Vivien Ampil, 47, may-asawa, negosyante, kapwa nakatira sa B-7 L-12 Verdant  Heights, Muntinational Vill, Paranaque  City;   at  Christine  Malbas, 33, may-asawa, Junior property custodian at residente ng 2445 Rizal Avenue, Tondo, Manila.

Ayon sa biktima, sinabi ng mga suspek na sa hotel na lamang iaabot ang stock  kasabay ng kanyang bayad o sa madali’t salita ay “kaliwaan” .

Gayunman, naibigay ng biktima ang kaukulang bayad sa stock sa halagang P1,850,000 ngunit ang order ay hindi naibigay dahil sa mga rason na hindi makapag-park sa hotel ang truck na may dala sa mga face shield kaya made-delay hanggang sa naghintay ang biktima ngunit wala pa rin ang inorder nitong faceshield.

Bunsod nito humingi ng tulong sa MPD ang biktima ay nagsagawa naman ng follow up operation sa nasabing hotel kung saan inabutan ang apat na suspek na positibong itinuro ng biktima na kanyang nakatransaksyon.

May resibo namang hawak ang biktima na katunayang nagbayad ito ngunit nakasaad lamang sa resibo ay P15 milyon bagamat mahigit sa P1.8 milyon ang kanyang iniabot at binayaran sa mga suspek.

Paalala naman ni MPD Spokesperson P/Lt Col Carlo Manuel Magno sa publiko na huwag basta-basta maniniwala at magbibigay ng pera lalu kung nakilala lamang sa  social media dahil marami na ang nanamantala sa panahon ngayong in demand ang faceshield dahil sa pandemiya.

Ang mga suspek ay hawak ngayon ng MPD at iniimbestigahan na kung saan maaring maharap sa kasong  Syndicated Estafa.

Hindi naman nabawi ng biktima ang milyong halaga na ibinayad nito samga suspek. (PAUL ROLDAN)

Comments are closed.