MAHIGIT sa P1 billion na ang nagastos ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, na siya ring concurrent Office of Civil Defense administrator, na ang OCD ang nangangasiwa sa logistics at sustainment ng quarantine facilities, kabilang ang Philippine International Convention Center (PICC), World Trade Center, Ninoy Aquino Stadium, atbPhilippine Arena.
Ang OCD ay naatasan ding pangalagaan ang healthcare workers at COVID-19 patients, lalo na ang kanilang accommodations sa hotels.
“’Yung ating augmentation ng QRF (Quick Response Fund), nakatatlong augmentation na tayo ng hingi sa DBM at binibigyan naman tayo. Base sa aming talaan ay na-obligate na namin na ikontrata, umabot na sa mahigit P1 billion,” sabi ni Jalad.
Iniulat din ng NDRRMC na umabot na sa P34 million ang donasyon mula sa pribadong sektor at non-government organiza-tions.
Maging ang foreign governments ay nag-donate din ng medical supplies, equipment, at personal protective equipment (PPE).
Comments are closed.