LUMAGDA ang Filipinas at ang United States sa isang P10.5 billion bilateral agreement para palakasin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID), ayon sa US Embassy sa Manila.
Ang kasunduan ay isa sa apat na bagong five-year USAID-Government of Philippines Development Assistance Agreements ngayong 2020, na tinatayang may kabuuang halaga na P32.7 billion.
“This new USAID and Department of Finance bilateral agreement will expand our support to help the Philippines achieve long-term, private sector-led economic growth and strengthen economic governance. These programs will create jobs and help ensure more inclusive, broad-based economic development,” sabi ni USAID Mission Director Lawrence Hardy II.
Ayon pa sa Embahada, susuporta rin ang USAID sa pagpapahusay ng public sector transparency at accountability; pagsusulong ng rule of law at justice system; at pagpapalakas sa pagtugon ng mga lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga Filipino.
Tatlong iba pang kasunduan ang binubuo. ayon sa US Embassy.
Ang isa ay aayuda sa Department of Health (DOH) sa pagpapalakas ng health systems habang pinagbubuti ang kalidad ng health services, lalo na sa paggamot sa tuberculosis, pagkakaloob ng access sa family planning services, at community-based drug dependence treatment.
Ang isa pa ay tutulong sa National Economic Development Authority (NEDA) sa pagsusulong ng sustainable use ng natural resources at pagpapalakas sa energy security.
Ang ikatlong kasunduan ay aayuda sa Department of Education para mapaghusay ang early grade reading, mapalawak ang science at mathematics curricula, at madagdagan ang access ng out-of-school youth sa edukasyon, professional, at technical skills development na magreresulta sa bagong job opportunities, at magpapalakas sa education governance.
Comments are closed.