SIMULA ngayong araw, daan-daang sako ng bigas at tone-toneladang delata ang ipapamahagi ng ACT-CIS Party list sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila bilang tulong sa mga tao na maaapektuhan ng lockdown simula sa Agosto 6.
Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, ang pinamili ng mga bigas at delata ay galing sa personal na budget niya at mga kasamang sina Cong. Jocelyn Tulfo at Nina Taduran.
“Alam namin na said na sa pondo ang gobyerno pati na ang LGU (local government units) kaya naisipan namin na tumulong na rin sa pagbibigay ng ayuda sa mga tao,” ani Cong. Yap.
Dagdag pa ng mambabatas, “makikipag-ugnayan kami today sa mga mayors para alamin kung saan ihahatid ang mga bigas at delata para sa mga tao”.
Napag-alaman na P5 milyon ang inilaan ng grupo para sa bigas at P5 milyon naman para sa mga delata.
Dagdag pa ni Yap, “hindi lang sa mga LGU kami maghahatid ng ayuda kundi pati sa ilang simbahan, media group, at TODA”.
“Si Erwin Tulfo, ang aming Party list chairman ang nag-organisa ng relief operation na ito,” pahabol ni Yap.
790614 601342I believe other internet site owners really should take this internet site as an model, extremely clean and fantastic user pleasant pattern . 761794
471458 922081not every person would need a nose job but my girlfriend really needs some rhinoplasty coz her nose is kind of crooked- 143267
623901 786968Hey there! Good stuff, please keep me posted when you post something like this! 461446