NANAWAGAN ang mga labor group kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing P100 ang dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa bansa sa halip na P25.
Iginiit ni Associated Labor Unions-Trade Union Congress (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay na dapat na pakinggan ng Pangulo ang hinaing ng mga manggagawa dahil apektado na ng mataas na infla-tion ang nasa apat na milyong mahihirap na pamilya sa bansa.
“May kapangyarihan ang Pangulo na manghimasok at hilingin sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na gawing P100 ang arawang dagdag sa sahod ng mga manggagawa mula sa unofficial P25 wage hike,” dagdag ni Tanjusay.
Sinabi nito na matagal nang hinihintay ng mga manggagawa mula sa Pangulo ang bunga ng mga ipinangako nitong pagbabago.
Ayon kay Tanjusay, kung magagawa ng Pangulo na P100 ang dagdag sa arawang sahod ay magiging P612 na ang minimum na sahod at malaki ang maitutulong nito para sa mga mahihirap na pamilyang Filipino. VERLIN RUIZ
Comments are closed.