CAVITE – Umaabot sa P1,010,208.00 halaga na shabu ang nasamsam sa 27 drug dealers na nasa watchlist bilang high-value target makaraang isagawa ang serye ng anti-drug operation ng mga awtoridad sa anim na barangay sa tatlong lungsod sa lalawigan ng Cavite kamakalawa at kahapon ng madaling araw.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jeffrey “Jeff” Honor y Pakingan, 26, ng Dasmariñas City; Paul Christian Camantigue; Hamod “Mhorex” Mohammad; Datu Duran Mokamad, Gen. Trias City; Eldren Gaitan 27; Jeffrey Honor y Pakingan, 26, ng Dasmariñas City; at si Paul Christian Camantigue, Brgy. Salawag, Dasmariñas City.
Kinasuhan din sina sina Floridel “Pudel” Bulaga, Brgy. Langkaan II, Dasmariñas City; Jamael Laguindab, Dasmariñas City; Vince Arias ng Imus City; John Derrick Sarad y Positar, Joeben Maningat, Noel Nabor Joseph Dela Cruz, Renato Reyel at si Jose Venegas kapwa taga-Imus City at walong iba pa.
Lumilitaw na sunod-sunod ang anti-drug operation ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA 4A) sa mga Barangay Malagasang 2-A, Toclong 1-A, Brgy. Alapan 1-A sa Imus City; at Brgy. Langkaan 1, Brgy. Salawat sa San Marino Subd., Dasmariñas City; at sa Brgy. San Francisco sa Sunny Brook 1, General Trias City.
Nasamsam sa mga suspek ang 132.7 gramo na shabu na may street value na P1, 010, 208.00; nakumpiska rin ang isang motorsiklo at Cal. 9mm pistol na kargado ng 9 bala habang isinailalim naman sa Drug test at physical exam action ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa police detention facility.
Isinailalim na rin sa chemical analysis sa Cavite Crime Laboratory Office sa Imus City ang nasamsam na shabu na gagamiting karagdagang ebidensiya sa kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek. MHAR BASCO
Comments are closed.