P102..98-M PINSALA SA AGRI, INFRA NI ‘AURING’

NDRRMC.jpg

UMAKYAT na sa P102..98 million ang pinsala ng bagyong Auring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa report ng NDRRMC, ang agricultural damage ni ‘Auring’ ay nasa P79.38 million sa Caraga region habang ang infrastructure damage ay umabot na sa P23..6 million sa mga rehiyon ng Bicol, Eastern Visayas, Davao, at Caraga.

Samantala, may kabuuang 64,056 pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa  Bicol, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao region, at Caraga.

Sa naturang bilang, 1,045 pamilya ang tumutuloy sa 20 evacuation centers habang  246 ang nakikitira sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Ang mga napinsalang bahay ay umabot sa 1,340, kung saan 348 ang ‘destroyed’ at   992 ang ‘damaged’, sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao region, at Caraga. (PNA)

12 thoughts on “P102..98-M PINSALA SA AGRI, INFRA NI ‘AURING’”

Comments are closed.