P13-M CASH AID SA SENIORS IPINALABAS NG MANILA CITY GOV’T

NAGPALABAS ang pamahalaang lokal ng Maynila ng mahigit sa P13 million na tulong pinansiyal sa mga senior citizen sa lungsod sa pamamagitan ng PayMaya.

Sa isang statement, sinabi ng PayMaya na sakop ng naturang halaga ang tatlong buwang halaga ng ayuda mula Enero hanggang Marso ngayong taon sa may 9,000 senior citizens na bahagi ng initial batch na binigyan ng citizen identification cards.

“Disbursing cash assistance via-ewallets is a safer and more transparent means in providing financial aid to citizens, since it minimizes cash handling and provides a record of money transfer,” wika ni PayMaya founder and chief executive officer Orlando Vea.

“We are happy to see our services being utilized during this enhanced community quarantine (ECQ) for the benefit of one of the most vulnerable segments of Manila’s population,” aniya.

Ang PayMaya-enabled citizen identification card initiative ay inilunsad noong late 2019 bilang bahagi ng benefit program ng Manila City government para sa  senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at solo parents.

May 17,000 ID cards na ang naipamahagi kung saan magpapatuloy ang distribusyon kapag inalis na ang enhanced community quarantine. Ang mga senior  citizen na wala pang ID cards ay makatatanggap ng cash assistance sa pamamagitan ng kanilang barangay captains.

“Our partnership with PayMaya has enabled us to deliver fast and transparent financial assistance to our senior citizens at this time of great need, allowing them to receive their benefits from the safety of their own homes,” wika ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

“Digital financial services helps us to continue serving our constituency despite our current public health challenges,” dagdag pa niya.

Comments are closed.