P14.6-M PINSALASA AGRI NG HABAGAT FLOOD SA IFUGAO

PUMALO sa P14.6 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng pagbaha sa Ifugao dulot ng Habagat o Southwest Monsoon, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ang pinsala sa rice crops ay nagkakahalaga ng P4.5 million, habang sa high-value crops, partikular ang assorted vegetables, ay nasa P10.1 million.

Ang total rice crop volume loss ay nasa 239 metric tons (MT) mula sa 120 ektarya.

Samantala, ang volume loss para sa high-valued crops ay nasa 489 MT mula sa 78 ektarya.

“The total volume of production loss was thus at 728 metric tons (MT), affecting 198 hectares of agricultural lands,” ayon sa DA.

May kabuuang 684 magsasaka ang apektado ng pagbaha.

Ayon sa ahensiya, nagsasagawa na ang mga tauhan nito mula sa regional field ng assessment sa pinsala at losses sanhi ng Habagat sa agri-fisheries sector.

“The DA continuously coordinates with concerned NGAs, LGUs and other DRRM-related offices for the impact of the ‘Habagat’, as well as available resources for interventions and assistance,” sabi pa ng DA.

Bilang tulong ay magkakaloob ang ahensiya sa mga apektadong magsasaka at mangingisda ng rice, corn at assorted vegetable seeds; at mga gamot at biologics para sa livestock at poultry.

Aayudahan din sila sa pamamagitan ng Survival and Recovery (SURE) Program of Agricultural Credit Policy Council (ACPC); available funds mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa bayad-pinsala sa mga apektadong magsasaka; at Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.