HINDI bababa sa P14 billion na halaga ng palay ang bibilhin ng Department of Agriculture (DA) sa mga local farmer ngayong 2020 sa halagang P19 per kilo.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, inatasan na niya si National Food Authority (NFA) Administrator Judy Dansal na gamitin ang kanil-ang annual procurement fund para sa kapakinabangan ng mas maraming magsasaka.
“We expect more vibrant palay-buying and rice trading activities this year as the Department of Social Welfare and Development (DSWD) will dis-tribute P600 worth of NFA rice instead of cash every month to each of the beneficiaries of its Pantawid Pamilyang Pilipino Program,” wika ni Dar.
Aniya, ang DSWD intervention, na nagkakahalaga ng P31 billion taon-taon, ay makatutulong upang gumanda ang presyo ng palay.
Patuloy ring bibili ang major provincial governments at farmers’ federations sa mga local farmer.
“Just like last year, we expect about 30 major rice-producing provinces, led by Isabela and Nueva Ecija, to again buy palay directly from their farm-ers. They commit to allot an initial P6 billion for the purpose,” sabi pa ng DA chief.
Ang ilan sa mga kalipunan ng magsasaka na lalahok sa pagbili ng palay mula sa kanilang mga sariling miyembro ay yaong mga nasa Isabela, Caga-yan, Pangasinan, at Nueva Ecija.
Ang naturang mga pederasyon ay bibili ng hindi bababa sa P2 billion na halaga ng palay.
“In all, this year we are looking at an initial P53 billion from the public sector to buy palay at favorable prices,” ani Dar. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.