AABOT sa P141 billion ang magagastos sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ito ang naging pagtaya ng DOTr at ng Manila International Airport Authority (MIAA) kasabay ng pagsusumite ng kanilang joint proposal para sa NAIA-solicited Public-Private Partnership project sa National Economic Development Authority (NEDA) Board.
Layon ng proyekto na bigyan ang private concessionaire ng 15 taon para patakbuhin ang airport at mabawi ang kanilang investment.
Sinabi ni Transport Undersecretary Roberto Lim na kailangan nilang makuha ang commitment obligations sa panig ng private proponent sa uri ng investments na kanilang ipapasok sa NAIA.
“Ang estimate namin, you would have to spend around P141 billion para ma-expand, upgrade, rehabilitate ang NAIA.
You have to remember that NAIA is the main gateway of the Philippines and we really need to catch up with improving it, modernizing it using innovation and technology,” sabi ni Lim sa isang public briefing.