SA layuning mapabuti ang mobilidad at koneksyon ng mga lokal na komunidad sa Cordilleras, pinabilis ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang completion ng road rehabilitation at improvement project sa isang portion ng Mt. Province-Ilocos Sur via Kayan Road sa Barangay Kayan, munisipalidad ng Tadian sa Mountain Province.
Ang patuloy na road reblocking at asphalt overlay project na naglalayong mapalawak at mapadali ang paglalakbay ay nasa 74 porsyento nang tapos sa kasalukuyan.
Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni Regional Director Khadaffy D. Tanggol na ang mga imprpvements ay dinisenyo upang kayanin ang matitinding kondisyon ng panahon na tinitiyak na mananatiling operasyonal ang mga kalsada buong taon.
“This road project, which also includes application of thermoplastic pavement markings and installation of road studs, is essential in ensuring that our road networks remain safe and accessible, especially in mountainous areas like Tadian where landslides and erosion have previously disrupted travel and commerce” aniya.
Ang rehabilitasyon at road improvement sa bayan ng Tadian na nagkakahalaga ng P144.70 milyong piso ay pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).
RUBEN FUENTES