NAGDAGDAG ang Department of Budget and Management ng P15 billion pa sa quick response fund ng pamahalaan, ayon sa Malacañang.
“Ayon sa DBM, naka-standby ang pondo at maaaring magamit ano mang oras… Nagpahayag ito ng agarang aksiyon kapag makatanggap ng request mula sa mga ahensiya para sa replenishment ng kanilang QRS,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Roque, ang total available balance ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) fund ay kasalukuyang nasa P11.774 billion
Kaugnay nito, ang national agencies ay may allowable limits sa paghingi ng karagdagang budget para sa kanilang quick response funds: Department of Agricul-ture – P1.5 billion, Department of Education – P2.1 billion, Department of Health – P600 million, Department of Public Works and Highways – P1 billion, Department of Social Welfare and Development – P1.25 billion, Department of National Defense – P250 million.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang death toll mula sa bagyong Ulysses ay pumalo na sa 67 — 22 sa Cagayan Valley, 2 sa Central Luzon, 17 sa CALABARZON, 8 sa Bicol Region, 10 sa Cordillera Administrative Region, at 8 mula sa Metro Manila.
Comments are closed.