PAGPAPALIWANAGIN ng Senado ang inter-agency task force on Boracay rehabilitation partikular na ang mga opisyal ng Department of Tourism (DoT) kung paano ang ipinamahagi ang P150 milyong pondo para sa pag-anunsyo ng muling pagbubukas ng isla sa Oktubre 26, 2018.
Ayon kay Senate committee on tourism chairman Nancy Binay, aalamin ng komite kung kinakailangan pa ng malaking pondo dahil sa 30 porsiyento pa lamang ang inaasahang bubuksan sa Boracay.
Nauna rito, inamin ng mga kinatawan ng inter-agency na kakaunti pa lang ang nakatugon sa mga requirement kaya maliit na bilang pa lang ang maaaring payagan na muling makapag-operate.
Sinabi ni Binay, hanggang ngayon ay wala pang naisusumiteng carrying capacity report ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya hindi pa masabi kung paano tatanggapin ang bubuhos na mga turista.
Gayundin, pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa Boracay bookings dahil baka ang hotels na makukuha ay hindi naman compliant sa mga bagong patakaran sa isla.
Comments are closed.