ITINUTULAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng liveli-hood program para sa mga vendor at maliliit na tindahan na naapektuhan ang kita dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang plano ay inihayag ng DSWD sa Senate hearing sa budget ng ahensiya bilang tugon sa agam-agam ng ilang senador sa P10 bilyong pondo na hindi nagamit para sa social amelioration program (SAP) para sa mga mahihirap na pamilyang tinamaan ng pan-demya.
Ayon kay DSWD Undersecretary Restituto Macuto, hinihintay na lang nila na aprubahan ng Office of the President ang paglaan ng pondo sa programa.
“Ang atin pong tinatarget dito [ang] informal sector. ‘Yung mga kababayan nating nagtitinda sa mga palengke, ‘yun pong mga nagtitinda ng gulay-gulay, mga sari-sari store. We have already oriented our local government units for this particular program. So, they are ready now, hintay lang po kami ng pondo para po makapag-start na kami immediately,” pahayag ni Macuto sa pagdinig.
Sa ilalim ng programa ay pagkakalooban ng P15,000 cash aid ang maliliit na negosyong hinambalos ng pandemya para matulungan silang makabangon.
Comments are closed.