(P16.5 million relief goods ipinamahagi) MGA ARTISTA NANGUNA SA TAAL

Relief Goods-3

NASA P16.5 milyon na ang halaga ng relief na ibinahagi ng mga artista sa umaabot na 100,000 indibiduwal na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa inilabas na situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kahapon ng umaga  ay  nasa kabuuang P16,585,936.61 ang halaga ang ipinarating na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at mga local government unit (LGU).

Bukod pa ito sa tulong ng ibat ibang grupo kabilang ang hanay ng mga artista sa pinilakang tabing kabalikat ng ilang major services ng Armed Forces of the Philippines.

Samantala, nasa 22,472 na pamilya o 96,061 na indibiduwal naman ang apektado ng pagsabog ng bulkan sa bahagi ng Batangas, Cavite at Laguna.

Sa nasabing bilang, 16,174 na pamilya o 70,413 na katao ang nananatili pa rin sa 300 itinalagang evacuation centers karamihan dito ay hinakot ng mga tauhan ni Army 2nd Infntry division chief Maj Gen Arnulfo Marcelo Burgos.

Sa gitna ng matin­ding pagsubok bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal, nagkakaisang tumugon ang iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng kani-kanilang mga pamamaraan ng pagpapakita ng kabayanihan kabilang na rito ang ilang artista.

Kabilang sa mga pinasasalamamatan ng provincial government ng Batangas, ang mga artista  na may dalawang tulong at bibit na ligaya sa puso at isipan ng mga biktima ng bulkan.

Maliban kasi sa dalang tulong, nakadaragdag sa saya ng mga evacuee kapag may dumarating na celebrity.

Ayon sa Batangas PIO, kabilang sa mga nagtungo sa evacuation centers  ay sina Piolo Pascual, Ryan Agoncillo, Gerald Anderson, Carlo Aquino, s Dingdong Dates at Rocco Nacino na kapwa Navy reserve.

Nauna na ring nagtungo sa evacuation center sina Matteo Guidicelli, Jason Gainza at Karla Estrada.

Sa update ng Phivolcs bandang 8:00 ng umaga, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal, habang lalo pang lumawak ang mga lugar na natukoy na may pagbitak sa paligid ng Taal volcano.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, sanga-sangang crack ang natuklasan sa paglilibot ng kanilang team.

Sinasabing karugtong iyon ng fissure vents na konektado sa bulkan.

Ang lindol at mga pagbitak ng lupa ay ilan lamang sa mga senyales noon bago nangyari ang major eruptions ng Taal noong 1911 at 1977. VERLIN RUIZ

Comments are closed.