P17.9-B RICE DUTIES NAKOLEKTA (Mula Enero 1 hanggang Dis. 10, 2021)

NASA P17.9 billion na duties ang nakolekta mula sa 2.8 million metric tons (MT) ng rice shipments na pumasok sa bansa mula Enero  1 hanggang Dis. 10, 2021, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ang  revenues mula sa rice imports sa naturang panahon ay nagmula sa shipments na may kabuuang halaga na P51.37 billion.

Sa preliminary data ay lumitaw na ang import duties na nakolekta mula Enero 1 hanggang Dis. 10  noong nakaraang taon ay tumaas ng 21.9 percent, mula P14.72 billion sa kahalintulad na panahon noong 2020.

Ayon kay Guerrero, mula Dis. 1 hanggang 10 noong nakaraang taon, ang volume ng rice imports ay tumaas ng 487.9 percent, gayundin ang revenue ng 475.8 percent.

“Cumulatively, it grew by 23.4 percent in volume and 21.9 percent in revenue,” aniya.

Sa parehong panahon, ang  rice import volumes ay umabot sa 118,656 MT, mula 20,181 MT na naitala noong 2020.

“The volume of rice imports also totaled 2.797 million MT during the first 10 days of December 2021, up from 2.266 million MT during the same period in the previous year.

As a result of the continuous decline of the price of rice in the world market, the average value of rice per MT dropped by 1.7 percent to P18,532 per MT for Jan. 1 to Dec. 10, compared to the P18,854 per MT recorded during the same period in 2020,“ sabi pa ni Guerrero.

Ayon sa DOF, ang import duties na nakokolekta mula sa rice imports simula noong Marso 5, 2019 ay napupunta sa annual P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund alinsunod sa itinatakda ng Rice Tariffication Law.