KAILANGAN ng Department of Education (DepEd) ng hindi bababa sa P18 billion para sa pagkukumpuni sa mga paaralan na napinsala ng mga nagdaang kalamidad tulad ng bagyo at lindol.
Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang P18 billion ay para sa pagsasaayos ng mga pasilidad na sinalanta ng mga bagyong Odette at Agaton, at kamakailan lamang, ng magnitude 7 earthquake na yumanig sa Abra.
“We are not just counting the earthquake, pati ‘yung immediate lang po, early 2021 to early 2022, ‘yung mga Typhoon Odette and Agaton, it already amounted to P16 billion. We add pa po the now still-increasing number kasi day by day, ‘yung sa earthquake, nagpapalit ‘yung schools na may damage. Right now, we’re at P1.4 to P1.7 billion, but that’s unverified,” sabi ni Poa.
“In total, talagang nasa P18 billion ‘yung kakailanganin natin,” dagdag pa niya.