CAMP DANGWA-SINIGURO ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na tuloy-tuloy ang pagsira at pagsunog sa mga marijuana plantations sa Cordillera Region.
Ginawa ni Cascolan ang pahayag nakaraang saksihan ang pagsusunog sa P19 milyon halaga ng marijuana sa PRO-Cordillera kahapon.
Tinitiyak ni Cascolan, sa pagbubunot ng marijuana plant ay kasama ang mga ugat nito para masigurong hindi na muling tutubo pa.
Kasabay nito, binilinan ng PNP Chief ang mga local commander na balik-balikan ang mga unang nasirang plantations para masiguro na hin-di na muling makapagtatanim ng marijuana.
Magugunitang pinuna ng mga lokal na mamahayag sa nasabing lalawigan ang tila paulit-ulit na lang ang mga lugar kung saan nadidiskubre ang taniman ng marijuana. EUNICE C
Comments are closed.