P1K DAGDAG  SAHOD SA KASAMBAHAY

KASAMBAHAY

IPINANUKALA ni House Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon na dagdagan ng P1,000 ang buwanang sahod ng lahat ng mga kasambahay.

Ayon kay Abayon, apektado rin ng inflation ang mga kasambahay bilang  mga miyembro rin ng marginalized sector.

Tinukoy ng mambabatas ang mga kasambahay sa Region-4A na may pinakamababang sahod  na P1,800 kada buwan.

Aniya, taong 2016 pa nang huling makatikim ng dagdag-sahod ang mga kasambahay sa Calabarzon at December 2017 sa Metro Manila at limang iba pang rehiyon.

Hiniling din niya ang pagkakaroon ng online database para sa registry of domestic workers para matiyak ang pagsunod sa batas na nagbibigay-proteksiyon sa mga kasambahay gaya ng health benefits.        CONDE BATAC

Comments are closed.