TAGUIG CITY- NASA mahigit na P2.9 million halaga ng shabu ang nakuha sa anim na lalaki at isang babae sa buy bust operation ng pulisya noong Lunes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Saner Guipal; Arapat Samama; Hans Joseph Casiano; Mohammad Adialuddin; Butch Oyo; Rashid Biri at ang nag-iisang babae na si Johanna Usman.
Base sa imbestigasyon ng pulisya ang mga suspek ay naaresto dakong alas-7:30 ng gabi sa may Jolo Sulu St., Quiapo Dos, Brgy. Maharlika, Taguig City.
Ayon sa pulisya target ng operasyon ang isang 37-anyos na si alyas Boy na nakilalang si Saner Guipal at umano’y killing at isang runner ng shabu ng isang drug syndicate.
Ang anim namang kasama ni Boy ay nahuli ng pulisya nang maaktuhan ang mga ito na gumagamit ng shabu. Kasalukuyan ngayong nakakulong sa Taguig City custodial facility ang mga naarestong suspek.
Nakumpiska ng pulisya mula sa mga naarestong suspek ang may 14 pakate ng shabu na may timbang na 433.02 na nagkakahalaga sa P2.9-milyon; P500 na buy bust money; 2 pirasong lighter; 2 pirasong improvised tooter; aluminum foil; tatlong cellular phones at isang motorsiklo.
Ayon sa pulisya, dalawa sa mga lalaking nahuli ay mga kamag-anak ni alyas Boy.
Itinanggi ni Boy na kanya ang mga nakumpiska at siya ay nagbebenta ng shabu subalit aminado naman siyang gumagamit ng droga.
Nahaharap ang mga inaresto sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.