P2.942-T TAX COLLECTION GOAL KAYA NG BIR

Erick Balane Finance Insider

KUMPIYANSA si Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na kaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na makamit ang iniatang sa kanilang P2.942 trilllion na tax collection goal mula Enero hanggang Disyembre  2021, mas mataas ng halos 12.42% kumpara sa 2020 tax goal.

Ito ay matapos ang pahayag ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay na walang dapat problemahin kung seryosong gagampanan ng mga kolektor ng Kawanihan ang kanilang tungkulin para sa kapakanan ng bayan, lalo na ngayong ang bansa ay humaharap sa krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19 pandemic.

Base sa tax records, sa buwan pa lamang ng Abril ngayong 2021 ay tumaas ang tax collections nina Metro Manila Revenue District Officers Beth Seba ng San Juan, Arnold Galapia ng QC-North, Tony Ilagan ng QC-South, Rufo Ranario ng West Makati City, Saripoden Bantog ng Pasig City at Rodel Buena Obra ng Novaliches, Quezon City.

Hindi alintana ng mga RDO ang nagbabantang mas matinding suliranin na pwedeng kaharapin ng BIR dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kumpiyansa pa rin sina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay na maging sa huling bahagi ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 na tinataya sa P3.312 trilyon ang  tax collection goal o mas mataas ng 12.49% kumpara sa tax goal sa 2021, ay kayang kolektahin ng Kawanihan kung magtatrabaho lamang nang husto ang mga tax collectors.

Ang gumagandang tax collection performance ng mga RDO ay bunsod ng pagsisikap nina Metro Manila BIR Regional Directors Albino Galanza (Quezon City), Jethro Sabariaga (City of Manila), Gerry Dumayas (City of Caloocan) at Maridur Rosario (City of Makati) na resulta ng massive tax campaign na isinagawa ng mga ito.

Sina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay ay pinarangalan ng dalawang kapulungan ng Kongreso matapos na mahigitan ang tax collection goal noong nakalipas na fiscal year sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya dulot ng pandemya.

Sinabi nina Dominguez at Dulay na basta nagkakaisa at maganda ang coordination sa pagitan ng BIR at taxpayers, walang makapipigil para makuha nila ang inaasam na tax collection goal.

Sa bisa ng pinakahuling travel assignment order, itinalaga ni Commissioner Dulay sa kanilang bagong assignments sina BIR Regional Director Edgar Tolentino bilang NCR East; Director Joseph Catapia (San Fernando, Pampanga); Director Emil Abutasil (Davao City); Assist Director Corazon Balinas (Caloocan City); at Assistant Director Saripuden Bantog (South NCR).

Ang pinakahuling balasahan sa BIR ay may basbas ni Presidente Duterte para higit na mapataas ang koleksiyon sa buwis at malinis sa katiwalian ang ahensiya.

Una nang inatasan ni Presidente Duterte si Commissioner Dulay na sibakin sa puwesto, ilagay sa freezing capacity o kasuhan sa Office of the Ombudsman ang mga tinawaling opisyal at tauhan ng Kawanihan para ganap na linisin sa corrruptions ang nasabing tanggapan.

Ito ay matapos makarating sa Office of the President ang patuloy na katiwaliang nagaganap sa BIR na kinasasangkutan umano ng mga key official nito.

Ang BIR at Bureau of Customs (BOC) ay ilan lamang sa tanggapan ng gobyerno na laganap ang korupsiyon,  kasama ang Department of Public Works and Highways, Department of Transportations, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at iba pang ahensiya ng gobyerno.



Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag- email sa [email protected].

21 thoughts on “P2.942-T TAX COLLECTION GOAL KAYA NG BIR”

Comments are closed.