P2-B FLOOD CONTROL PROJECT SA CAGAYAN MATATAPOS SA 2019

NASA kalagitnaan na ang Department of Public Work and Highways (DPWH) sa kanilang

konstruksiyon ng P2 bilyong halaga ng 3.31 kilometer Cagayan Tuguegarao River Flood Control project.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang naturang proyekto ay matatagpuan sa Barangay Alibago, Enrile at Cataggaman, Tuguegarao City na isinasagawa sa tatlong flood prone barangay sa Tuguegarao City.

Tinatayang nasa 65 percent near completion na ang proyekto.

Inaasahan ng DPWH na matatapos ito ng Hanjin Heavy Industries and Construction Company Co. Limited sa 2019.

Ayon pa kay Villar, kasama sa proyektong ito ang 940 meter revetment sa Barangay Alibago, 1,400 meter revetment ng 970 meter spur dike sa barangay Cataggaman maging ang paghuhukay ng 405,000 cubic meters at pagtatambak o embankment/ backfill ng 167,00 cubic meters sa barangay sa Enrile.

Napag-alaman na ang inilaan na pondo sa proyektong ito ay galing sa loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng Japanese government at ito ay nasa ilalim ng DPWH Unified Project Management Office – Flood Control Management Cluster. FROI MORALLOS

 

Comments are closed.