P2-M RETIREMENT NG PULIS NATANGAY

pera

CAMARINES SUR -GINAGAWA lahat ng Camarines Sur Provincial Police Office ang kanilang  makakaya para matunton at maibalik ang P2 million na retirement benefits ng isang kareretiro lamang na tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Sa ulat ng Camarines Sur PPO, nasa  P2 milyon ang natangay  sa isang retiradong pulis matapos manakawan ang kaniyang sport utility vehicle noong Linggo.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Buhi Police, na nawala ang nasabing halaga sa loob ng sasak­yang ipinarada ng biktima nang dumalo ito sa isang birthday party ng kaibigan.

Pagbalik umano ng retired pulis ay wala na ang kanyang backpack na may lamang P2 mil­yon, pati ang kaniyang wallet na may lamang P25,000.

Subalit aminado ang dating pulis na walang binasag na salamin sa kanyang sasakyan. Hinala nito ay naiwan niyang nakabukas ang mga pinto ng kanyang SUV.

Patuloy ang ginagawang follow-up investigation ng Buhi-MPS para sa pagkakakilanlan ng suspek. VERLIN RUIZ

Comments are closed.