AABOT sa P2 milyon ang halaga ng relief goods na ipinamahagi ng Philippine National Police (PNP) para sa mga biktima ng lindol sa Soccsksargen (Region 12).
Kahapon ay nagtungo sa bayan ng Makilala, North Cotabato si Officer-in- Charge Philippine National Police (PNP) Lt. Gen. Archie Gamboa kasama ang iba pang opisyal ng PNP.
Inikot nila ang compound at tanggapan ng Makilala Muncipal Hall maging ang police station doon.
Ito ay upang makita ang naging pinsala ng mga gusali matapos ang magkakasunod na lindol sa Mindanao kung saan ang North Cotabato ang isa sa lubhang naapektuhan.
Ayon kay PNP Spokespeson Brig. Gen. Bernard Banac na bukod sa pag-iinspeksiyon sa mga gusali ay nagbigay rin sila ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa nasabing lugar.
Matatandaang una nang nanawagan si Gamboa sa mga pulis na mag-donate kahit tig-P10 sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao. REA SARMIENTO
Comments are closed.