SA buwan ng Abril pa mararamdaman ng publiko ang P2 hanggang P7 na ba was sa presyo ng kada kilo ng bigas
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, hindi pa mararamdaman ng mga Filipino ang benepisyong hatid ng Rice Tariffication Law hanggang sa unang bahagi ng second quarter ng taon.
Subalit depende rin umano sa supply at demand ng bigas sa bansa.
Pahayag naman ni NEDA Usec. Planning and Policy Rosemarie Edillon na malaki ang posibilidad na lumawig pa ang lag time na ito hanggang sa huling bahagi ng second quarter o sa third quarter.
Malaki rin ang posibilidad na umabot ng isa hanggang dalawang taon pa mararamdaman ang impact naman ng batas na ito sa productivity sa agrikultura.
Samantala, sinabi naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na kabaligtaran ang magiging epekto ng batas na mas lalong magpapabagsak sa buhay ng mga lokal na magsasaka.
Pangamba ng kongresista ay magdudulot ito ng overdependence sa imported rice, pagtaas ng presyo ng bigas at pagdidikta ng mga rice cartel sa suplay at presyo ng bigas sa merkado.
Hindi umano solusyon sa krisis sa bigas ng bansa ang rice tariffication dahil tanging ang mga rice cartel at mga dayuhang rice supplier lamang ang makikinabang dito. AIMEE ANOC
Comments are closed.