P20 DAGDAG SUWELDO SA REGION II

sweldo

CAGAYAN – INAASAHANG sa susunod na buwan ay magre-reflect na sa payslip ng mga manggagawa sa Region II ang dagdag na P20 sa kada araw na suweldo.

Ngayong araw ay epektibo na ang dagdag na P20 minimum wage sa mga private sector sa Region II.

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Region II ang pagtaas ng sahod ng mga nasa non-agricultural workers sa P360 mula sa P340.

Makatatanggap naman ng minimum wage rate na P340 ang mga agriculture workers, habang P320 sa mga nagtatrabaho sa retail service establishment na mayroong 10 empleyado pababa.

Ayon kay Atty. Sarah Buena Mirasol, director ng Department of Labor and Employment Region II na siya ring chairman ng RTWPB Region II, ikinonsidera sa naturang implemen­tasyon ang public ­hearing at consultation sa mga stakeholder gayundin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Aniya, naging basehan din sa implementation ang Republic Act 6727 o Wage Rationalization Act.

Samantala, P3,500 naman ang inilabas na minimum wage rate para sa mga kasambahay pero maaari itong itaas ng kanilang employer.  EUNICE C.