P20-M AYUDA NG NDRRMC SA TAAL VICTIMS

Secretary Delfin Lorenzana

CAMP AGUINALDO – TINANGGAP ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Chairperson (NDRRMC) and Defense Secretary Delfin Lorenzana ang P20 million financial assistance para sa mga Taal evacuee mula sa  Melco Resorts-Philippines FoundaNDRRMC tion sa isang simpleng over ceremony na gina­nap sa People Power Revolution Memorial Lounge, Department of National Defense Building sa loob ng kampong ito.

Iniabot ni City of Dreams Manila’s Senior Vice President at Chief Operating Officer Kevin Benning sa pamamagitan ng MRP Foundation kasama ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Andrea Domingo ang mahigit  P20 million  na donasyon sa  NDRRMC kabilang ang 163 portable toilets and tents, bukod pa sa mga relief good para sa mga  eva­cuee sanhi ng pagsabog ng Taal.

Kasama sa pagtanggap ng tulong sina NDRRMC Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad; Department of Health Undersecretary Gerardo Bayugo na kumatawan kay Secretary Francisco Duque III. VERLIN RUIZ

Comments are closed.