LA UNION – AABOT sa P204,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang suspek sa buy bust operation sa San Fernando kamakalawa ng gabi.
Sa report ng pulisya kahapon nadakip sina Micaela Paloma, 49, biyuda, residente ng Montera Homes, Bucabdala, Imus, Cavite; at Frederick Filomeno, 44-anyos, binata, residente ng Barangay Ilocanos Sur, San Fernando City.
Nasa sampung plastic sachet ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 at San Fernando City Police matapos ang inilunsad na buy bust operation.
Bukod ito sa isang transparent heat sealed plastic sachet ng umano’y shabu na nabili mula sa mga tulak; dalawang piraso ng genuine P1,000 bilang marked money at 23 piraso ng boodle money; at iba pang drug paraphernalia.
Pilit na inaalam ng PDEA 1 kung sino ang source ng dalawang suspek na nasa kustodiya ng mga awtoridad. VERLIN RUIZ
Comments are closed.