CAVITE – PAGASA ang hatid ni Mr. Malasakit Senador Bong Go sa halos 750 pamilyang naapektuhan ng malawakang sunog at nawalan ng tirahan sa dalawang Barangay sa Cavite City na naganap nitong nakaraang Hulyo 14.
Namahagi ang senador ng P20,000 cash bilang tulong pinansyal para sa bawat pamilyang nasunugan, katuwang ang National Housing Authority at Cavite City Local Government Unit sa pangunguna ni Mayor Denver Chua.
Bukod dito, nagbigay rin ng mga grocery packs, vitamins, face mask, bola , nagpa raffle rin ng dalawang bisikleta at cellphone ang senador.
Sa huli ibinalik ng senador ang kanyang pasasalamat sa mga Caviteño na nagbigay ng pagkakataon sa kanya na magawa ang natatangi niyang bisyo, ang mag serbisyo.
SID SAMANIEGO