P20K MARIJUANA NASAMSAM SA ISANG MENOR

marijuana

QUEZON CITY – ARESTADO ng mga tauhan ng  Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni  Director, Police Brigadier General Joselito T Esquivel Jr at ng mga tauhan nito mula sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cubao Police Station (PS 7) at makuha mula sa isang menor ang marijuana na nagkakahalaga ng P120,000 sa ikinasang buy bust operation.

Ang mga naturang suspek ay tinatayangnasa edad na 16 at 17 na mag live-in partners.

Ayon pa sa ulat ng PS 7 sa ilalim ng pamumuno ni PLTC Giovanni Hycenth Caliao, matapos magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan nito bandang alas-5:50 ng hapon nito lamang Abril 2 sa P. Tuazon Blvd. malapit sa kanto ng  N. Domingo St., Brgy. Kaunlaran, Cubao dahilan ng pagkakaaresto ng mga suspek at ma-kumpiska ang malaking bloke ng pinatuyong dahon ng  marijuana na tinatayang may bigat na (1) kilo na tinata-yang  P120,000.00, cellular phone at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Naaresto rin ng mga tauhan ng PS 7 sa isang buy bust operation ang suspek na si  Kenneth Ban­zuelo, 22, kasama ang kapatid nito na si Kim Banzuelo, 24-anyos, kapuwa residente ng Brgy. E. Rodriguez at masagip na-man ang isa pang 17-anyos na lalaki bandang alas-10:25 ng gabi  sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao matapos itong mahuling gumagamit pa ng hinihinalang shabu.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng shabu at iba pang drug paraphernalia. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.