CAMP CRAME – MAGLALAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P21.679-billion para sa pension requirement at pension differential o back pay ng 86,876 retired PNP personnel.
Noong Hunyo 7, ay nag-request ang PNP sa DBM para magkaroon ng pondo na P28.053-billion para bayaran ang obligasyon sa mga nagretirong pulis subalit P21,679,789,069 ang inilabas ng DBM.
Sakop ng nasabing halaga ang para sa pension ng mga retired PNP personnel gayundin ang adjusted base pay rates ng mga ito epektibo noong Enero 1, 2019 na nakasaad sa Congress Joint Resolution No.1 series of 2018, para sa Hunyo hanggang Disyembre 2019; at pension differentials para sa Hunyo hanggang Disyembre 2019.
Labis namang nagpasalamat si PNP Chief, Police General Oscar Albayalde sa release ng nasabing pondo.
“The PNP leadership is grateful for this much-deserved pension increase for PNP retirees in recognition of their long years of faithful public service. This manifests the genuine concern of the Duterte administration for the welfare of the men and women of the uniformed services in both active and retired sectors,” ayon kay Albayalde.
Sa ngayon ay inihahanda na ng PNP ang computerized payroll para sa pension payments na idedeposito sa kanilang ATM pension accounts.
Ang back pay naman ay matatanggap ng retirees sa Hunyo 29, 2019 habang ang adjusted pensions ay sa Hulyo 16, 2019. EUNICE C.
Comments are closed.