SORSOGON – MAY 40 na bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuang palutang-lutang ng tatlong mangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Bagacay sa bayan ng Gubat kamakalawa ng hapo.
Sa impormasyong ibinahagi ng Sorsogon-PNP nadiskubre ng mga mangingisdang sina Melvin Gregorio, Loubert Ergina at John Mark Nabong ang bloke-blokeng droga sa dagat habang nangingiasda.
Ayon kay P/ Maj. Jim Jeremias, hepe ng Gubat Municipal Police Station, narekober umano ang nasabing pinaniniwa-laang ilegal na droga ng tatlong mangingisda na nakalagay pa sa isang selyadong kahon.
Agad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang may 39 kilos ng cocaine na tinatayang aabot sa P218.4 milyon ang halaga.
Patuloy pang inaalam ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police kung saan galing ang mga umano’y droga.
Lumilitaw sa paunang imbestigasyon ng pulisya, na maaring nagmula sa Latin America ang mga cocaine na ipadadala sa Australia.
Posibleng kusang inihulog sa dagat para kunin naman ng maghahatid sa kanilang katransaksiyon o kaya ay upang makaiwas sa huli ng mga awtoridad kaya pinasyang itapon na lamang sa dagat.Maaalalang pinakahuling nakakuha sa karagatang sakop ng Bicol ang isang bloke ng cocaine sa Rapu-Rapu, Albay ng mag-amang mangigisda. VERLIN RUIZ
Comments are closed.