BULACAN – TINATAYANG aabot sa halagang P25 milyon ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng drug en-forcement unit sa Brgy. Sta. Barbara, Baliwag.
Sa report na ipinadala ni Chief Insp. Voltaire Rivera kay PNP Provincial Director, Sr. Supt. Chito Bersaluna kinilala ang mga nadakip na sina Cristina Joana Trinidad ng Brgy. Tambubong, San Rafael, at Ruth Francisco ng Brgy. Loma de Gato Marilao.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad ganap na alas-3:50 ng madaling araw nang isagawa ang buy bust operation laban sa dalawang suspek.
Nabatid na una nang nakatanggap ng report ang mga pulis kaugnay sa transaksiyon ni Joan.
Dito nagpanggap na buyer ang mga pulis na bumili ng halagang P10,000 na shabu.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong malalaking plastic ng shabu na may timbang na 3.7 kilo, isang digital weighing scale, 3 cellphones at buy bust money. THONY ARCENAL
Comments are closed.