NORTHERN MINDANAO- UMAABOT sa P25,775,440.00 ang halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Bureau of Custom mula buwan lamang nitong buwan ng Mayo sa lalawigang ito.
Sa inilabas na report ng BOC-Cagayan de Oro, katuwang ang PNP ay lumagpas na sa P 25 milyon ang halaga ng smuggled cigarettes ang kanilang nasamsam sa kanilang pinaigting na anti-smuggling operations sa Northern Mindanao at mga kalapit na lalawigan.
Inihayag naman ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, “Mahalaga na makipag tulungan ang Aduana sa ibang mga law enforcement agencies. Kaya pag iibayuhin naming ang pagtatrabaho katuwang ang PNP at iba pang mga enforcement agencies para masupil ang mga unlawful activities sa aming nasasakupan.”
Sa pinakahuling ulat na isinumite ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO), nakasabat ang kanilang mga tauhan katuwang ang local PNP kamakailan ng nasa 350 reams ng undocumented cigarettes sa Brgy. North Poblacion
Agad na nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing kontrabando bilang bahagi ng tuloy tuloy na crackdown laban sa illicit cigarettes smuggling activities.
Ang nasabing smuggled items ay kinumpiska dahil sa paglabag sa Section 1113 (a)(f)(k) and Section 117 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to National Tobacco Administration Rules and Regulations.
Tinatayang nagkakahalaga ng P280,000.00 ang nakumpiskang sigarilyo base sa current market value.
Sinamsam din ng mga awtoridad ang isang Wing Van Truck na ginamit sa pagbibiyahe ng smuggled cigarettes.
VERLIN RUIZ