MAGIGING epektibo na sa Nobyembre 27, 2018 ang inaprubahang P25 daily minimum wage hike para sa mga mangga-gawa sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, ang adjustment ay magiging epektibo 15-araw matapos mailathala sa mga pahayagan na may general circulation ang approval dito ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).
“Palagay ko sa Monday pa maaaksiyonan ‘yan so 15 days after that… It will take effect on November 27,” ani Bello, sa panayam sa radyo.
Una nang inianunsiyo ng DOLE na inaprubahan na noong Nobyembre 5, 2018 ang P25 minimum wage hike, kasama rito ang P10 increase sa cost of living allowance (COLA).
Dahil naman sa naturang adjustment, ang bagong daily minimum wage sa Metro Manila ay aabot na sa P537 mula sa dating P512 lamang. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.