MAHIGIT sa P28 milyong halaga ng cocaine ang nakumpisa ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba sa isang Turkish national sa Ninoy International Airport (NAIA) Terminal 1sa Pasay City.
Batay sa report ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) sa NAIA Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Tas Group , nabatid na nadiskubre ang nasabing droga na nakasilid sa bagahe ng suspek nitong araw ng Martes.
Ayon sa report dumating ang suspek sa Pilipinas mula sa Dubai lulan ng Emirates Airlines kung saan ang port of origin nito ay sa Brazil.
Ang nakumpiskang droga o cocaine ay tumitimbang ng 3.945 kilos na nakatago pa sa sabon habang ang 1,500 milimiters ng liquid cocaine ay ihinalo sa lotion na nakalagay sa bagahe ng suspek na umaabot sa halagang p28,858,500.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa suspek habang ihinahanda pa ang mga kaukulang papeles sa kasong isasampa laban dito.
EVELYN GARCIA