(P3-P9 kada kilo) PRESYO NG BIGAS TUMAAS

BIGAS

NASA P3 hanggang P9 ang itinaas ng presyo ng kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila mula nang ipatupad ang Luzon-wide enhanced community quarantine.

Sa monitoring ng PILIPINO Mirror, ss Pasay Market ay nagmahal ng P3 hanggang P6 ang kada kilo ng well-milled rice, habang sa Muñoz Market sa Quezon City naman ay tumaas ng P5 hanggang P9 ang kada kilo ng regular-milled rice.

Ayon sa mga nagtitinda ng bigas, biglang nagtaas ng presyo ang kanilang mga supplier.

Sinabi naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na mula nang isailalim ang buong Luzon sa lockdown noong Marso 16 ay tumaas ng P2 ang presyo ng palay.

Ayon sa Sinag, ilan  sa mga dahilan ng pagtaas ay ang panic buying at pagbili ng millers ng lokal na palay makaraang ianunsiyo ng ilang bansa tulad ng Vietnam at Cambodia na hindi na sila mag-e-export ng bigas.

Ang farmgate price ng palay ay nasa P21 mula P19.

Pabor naman ang P2 pagtaas ng farmgate price ng palay sa mga magsasaka ngunit  hindi ito dapat samantalahin ng mga rice trader, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar.