CAMP CRAME – AABOT sa P300 milyon ang halaga ng puslit na bigas na nasabat ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde, nadiskubre ng pinagsanib na PNP at BOC ang 124,807 sako ng bigas na ilegal na naipasok sa bansa sa pitong bodega sa Bulacan makaraang magpatupad ng random inspection sa 801 warehouses sa lugar kung saan may kabuuang 1,059,729 sako ng bigas sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.
Kabilang sa 801 warehouses na nasiyasat ay 168 sa Central Luzon, 137 sa Cagayan Valley Region, at 139 sa Ilocos Region.
Ang iba naman ay nakakalat sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Dalawa namang warehouses sa Metro Manila ang ininspeksiyon, 40 sa Cordillera, 59 sa Western Mindanao at 75 sa Bicol region.
Nabatid na ang lahat ng 801 warehouses na siniyasat ay nakasaad na kaya ang 7.2-million sacks na kapasidad subalit mayroon lamang na 1,059,729 sacks nang inspeksiyunin ang mga ito.
Ang pagsisiyasat sa mga bodega ay alinsunod sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na lansagin ang pagtatago at pagpupuslit ng bigas na naging sanhi ng pagliit ng supply nito at pagtaas ng presyo. EUNICE C.
Comments are closed.