MAYNILA – INIABOT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang halagang P30.5 milyon na kanyang donasyon kabilang na ang kanyang P1 milyon na “talent fee” mula sa isang kilalang brand ng damit sa pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) kahapon.
Dakong alas-2:30 kahapon ay dumating ang alkalde sa opisina ni Dir. Gerardo Legazpi sa PGH upang pormal na iturn-over ang nasabing halaga kabilang na ang kinita sa ginanap na fund raising program na “Yorme Kois Golf Cup” kamakailan na kumita sa kabuuang P24.5 milyon, P1 milyon na Jag Jeans talent fee ni Mayor Isko, P1 milyon mula sa kompanyang Jag Jeans, P1 milyon mula sa Kenny Roger’s, P1 milyon mula sa Seattle’s Best, at P2 milyon mula sa sister companies ng Jag Jeans.
Napag-alaman kay PGH Dir. Legazpi na ibubuhos umano ang nasabing halaga sa Cancer ward for Children at sa mga pasyente ng pedia section na isasailalim sa liver transplant ng nasabing pampublikong ospital.
Matatandaan na nagbitaw ng salita si Domagoso na may puwang sa kanyang puso at lagi umano nitong pinupuntahan ang mga batang pasyente na matatagpuan sa cancer ward at pedia section na sasailalim sa liver transplant ng PGH kaya’t nang magkaroon ito ng pagkakataon ay ibinuhos niya lahat ito sa nasabing pampublikong ospital. PAUL ROLDAN
Comments are closed.