P32 BILLION REMITTANCES NG GOCCs

Finance Secretary Carlos Dominguez III

MALAKI  ang maitutulong ng remittances mula sa 54 na Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) sa Duterte administration para mapababa ang deficits at mapanatili ang agresibong paggastos hinggil sa impraestruktura at human capital development. Binigyang-diin ito ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Sinabi pa ni Dominguez na ang remarkable financial achievement ng mga na­sabing GOCCs na nasa P32 bilyon  mula Enero hanggang Hulyo ay makatutulong para ma-offset ang subsidy ng gobyerno sa iba pang GOCCs na mayroong crucial social missions tulad ng pagtiyak ng matatag na presyo ng pagkain at pagbibigay ng koryente at ligtas na supply ng tubig para sa mga komunidad.

Naka-remit ang 54 na GOCCs ng P32.03 bilyon  na dividendo sa unang pitong buwan ng taong ito na P1.6 bilyon  o 5.2% na mas mataas sa 30. 46 billion pesos na nakolekta mula sa mga state run firm para sa buong taon ng 2017.

Ipinabatid ni Dominguez na sasablay ang ekonomiya ng bansa kung walong kontribus­yon mula sa GOCCs.

Malaking tulong ng GOCC sa pagsusulong ng mass housing, rural electrification, pagkakaroon ng malinis na water supply, maayos na mass transport at matatag sa presyo ng pagkain, maayos na health ­programs at social security services.

Mismong si ­Pangulong Rodrigo ­Duterte ang tumanggap ng ceremonial cheque na kumakatawan sa dividend contributions ng GOCCs mula Enero hanggang Hulyo na pumapalo sa P32.03 bilyon.  DWIZ882

Comments are closed.